NAKALAPAG na rin kami sa Narita Airport, nandito pa kami sa loob pero dama ko na ang lamig kaya pinasuot na namin sina Kalinda and Kepler ng kanilang sweater, mabalahibo iyon kaya comfortable iyon sa katawan nila. “Kaladin, nandʼyan na ang dad mo. Ngayong gabi ba ang punta niyo sa Black Bar?” Narinig ko ang tanong ni mom Andrea. “Yes, mom. Nakasunod sa inyo sila Rigel para magbantay lalo na sa dalawang anak namin.” Napatingin siya sa akin at kay mom, bitbit ko si Kepler at kay mom si Kalinda. “I know. Mag—iingat din kayo.” May himig sa boses ni mom Andrea. Lumabas na rin kami sa Narita Airport at nakita namin sila dad Kalarin doon, pinuntahan niya kami at ako naman ay binigay na kay mom Andrea si Kepler. “See you later, Twins.” sabi ko sa kanila at hinalikan ang kanilang paa. “Ma