IRISH POV FORTY five days nang mamatay si Papa dahil sa aksidente. Hindi ako makapaniwalang mawawala siya sa amin ng isang iglap lamang dahil sobrang saya namin lalo na siya nang malamang magkaka—apo na siya. Sinabi pa niya na kahit hindi ko na hanapin ang tatay nito ay huwag daw akong mag—alala, but now, need ko na hanapin dahil nangako ako kay Papa na hahanapin ko ang tatay nitong anak ko, nitong apo niya. “Irish, ready ka na? Pupunta na tayo sa puntod ng Papa mo. Parating na rin ang tito Ariel and tito Arnold mo, kasama sila Cara.” Kabababa ko pa lamang mula sa second floor ng bahay namin, naka—dress ako ngayon dahil eleven weeks na itong tiyan ko, pa—three months na sabi nina Mama at Lola. “Opo, Mama.” Ready? Actually, hindi ko pa ring tanggap until now na wala na si Papa sa amin.

