IRISH POV “DADA, abait ba gwandma and gwandma ko po? Paano kapag ayaw nila sa akin?” tanong ni Kala habang nakasakay na kami sa kotse ni Valerian. “Mababait si Kalatia. Gustong—gusto ka na nga nilang makita nang sabihin kong may apo silang maganda at matalinong batang babae. Kaya ang grandpa mo ay nagpabili ng maraming toys for you and ang grandma mo naman ay maghahanda ng maraming food, lalo na ang cake and bread. Kaya they are excited to see you, and your mom,” sagot ni Valerian na siyang nagda—drive ngayon. “Weally, Dada?” Tumango si Valerian sa kanya habang ang tingin ay nasa harapan. “Excited na win akong makita silang dalawa, Dada! Apapakita ko kung gaano ako kabait, katalino at maganda, ʼdi ba po, Mamu at Lola?” “Oo naman, apo. Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kabibong bata!”

