IRISH POV TWO weeks naʼng magkita muli kami ni Valerian at walang araw na hindi siya pumunta rito para bisitahin at kumustahin kami, minsan ay sina tita Lilac, Pauline and Liana ang pumupunta para kumustahin kami at makipag—kwentuhan sa amin. Sobrang bait nilang lahat sa amin. “Dada, welcome back! Wow, Dada, ganda suot mo po, ha?” Nataranta ako nang marinig ang boses ng anak ko. Naglalaro siya sa labas ngayon kasama si Trake kasi iniwan ni tito Ariel ang apo nila sa amin dahil umiiyak si Trake at hinahanap si Kalatia. “Dada, si Trake po! Pinsan ko po siya kay tita Annie!” “Gwapo niya po, ʼdi ba? Bakit nandito ka po, Dada? Kaya ka awito kasi gusto mo ko makita? O, baka atakot ka kina tita ninang Abby? Huwag kang atakot, gusto ka win nila. Ausap mo naman na silang lahat and gusto ka

