“POPPY, just stay here first, ha? Kami muna ang mag—uumpisa para sa iyo. Congratulations again!” nakangiting sabi ni Selena sa akin. “Mauuna na kaming maglakad sa iyo, ha? Congrats!” dagdag din ni Millie kaya tumango ako sa kanila. “Lakad well, ha?” “Yes! Hintayin mo ang wedding coordinator niyo, okay. Bago ka bumaba, ha?” Tumango ako at nag—thumbs up sa kanila. Nag—umpisa akong kabahan nang nandito na ako sa tapat ng wedding church namin, Sto. Domingo Church. Hindi ako mapakali habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa loob ngayon, hanggang marinig ko na ang tunog ng kampana. “Poppy, huwag tayong kakabahan, ha? Huwag na huwag, okay? We need to relax and calm habang naglalakad tayo sa aisle para hindi tayo madapa. Babies, makisama muna kayo ng dad mo sa amin, ha?” Pakiusap ko sa kan