LAST week of July, malapit na akong manganak. Sabi ni Dr. Emily ay first week or early second week of August ako manganganak, iyon ang due date ko. Kaya ko naman daw manganak ng normal delivery kaya hindi niya ako pina—request na mag—CS. Thanks, God! Kasi sa mga naririnig ko ay masakit daw ang CS. Kapag naririnig ko ang salitang iyon tumataas ang balahibo sa buong katawan ko. “Baby girl, how are you at maging ang twins natin?” Biglang sumulpot si Kaladin sa harap ko na may dalang dragon fruit shake at ang cookies na pinabili ko sa kanya, na pinautos niyang bilhin kay Buzz. “Baby girl, sana lumabas na sila—” Binatukan ko siya. “Huwag mong sabihin iyan, Kaladin! First week or early second week ako manganganak, iyon ang sinabi ni Dr. Emily sa last check—up natin kaya huwag mong hilin