JANUARY na, natapos na rin ang Christmas and New Year break ay bumalik na muli sa lahat. Hindi kami nag—out of town ngayong Christmas break, nag—stay lamang kami sa bahay namin dahil sa new business na inaasikaso nina dad and kuya Zy. Ilang months na lamang din ay ga—graduate na kami, but nabawasan ang happiness na nararamdaman ko because wala na akong hinihintay na kasal after my graduation. But, Itʼs okay, at least, nalaman ko ang totoong ugali ni Kiran. Mas okay nang nalaman ko nang maaga kaysa naman kasal na kami tapos doon ko pa nalaman. Mahirap pa naman ang divorce rito sa Philippines. “Handa na ba kayo, Miss Poppy? First week ng class niyo muli... Paniguradong miss na rin kayo ng mga student niyo, two weeks din ang vacation,” nakangiting sabi ni ate Grace sa akin. Napaharap ako