KINABUKASAN, mabilis ang naging oras natapos na rin ang aming class today sa Mabunga High School, kaya heto naman kami ay papunta sa campus dahil may need kaming ayusin. Hindi namin alam kung anong sasabihin sa amin, hindi na lamang nila sabihin thru chat para makauwi na kami. Nakakapagod kaya magturo. “Millie, Iʼm tired. Pʼwede bang hindi na tayo pumunta? Bakit hindi na lamang nila sabihin thru chat, ha?” nakangusong tanong ko sa kanya. “Hindi raw pʼwede, Poppy. May attendance na gagawin doon.” Lalong humaba ang labi ko dahil sa sinabi niya. Wala na akong nagawa nang nakasakay na kami sa jeep papunta sa campus namin. “By the way, Poppy, anong nangyari sa iyo kahapon? Nalaman mo ba?” Tinignan ko si Millie and tumango ako sa kanya. “Yes. Nalaman ko na about that. I will tell you