“Sweetie, ang daming prutas at gulay! What happened?” gulat na gulat na tanong ni mommy nang makita ang ilang basket ba gulay at prutas na binili ni Buzz, I mean, pinabili sa kanya. Dumating na silang apat at nakita nila ang pinamili ni Buzz. “Um, pinautos na bilhin ni Kaladin ang mga iyan kay Buzz po, mom.” “Wooh! Really? Kahit nasa Japan siya ngayon ay inaalala ka pa rin niya. How sweet he is, sweetie.” Ngumiti na lamang ako kay mom. “Nagpapalakas iyon, mom.” Napasimangot ako sa sinabi ni kuya Zy. “Kailangan Niya talagang magpalakas sa amin lalo na sa iyo. Nakausap mo na ba si Kaladin? Hindi siya nakapagpaalam sa iyo kanina,” seryosong sabi ni kuya Zy. “May nakita akong letter sa side table ko, sulat niya. Mukha ngang kinahig na manok mabuti na lamang ay nabasa ko pa po.” Totoo n