I WOKE UP, nakita kong wala na sa tabi ko ang Kaladin na iyon. Maaga ba siyang nag—work muli? Napahikab na lamang ako at pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako, pero nagugutom ako. Nararamdaman kong sinisipa ang babies ko sa aking tiyan dahil gutom na silang dalawa. “Wait, babies, maliligo lamang ako then lalabas na rin tayo, ha? Hahanapin natin ang dad niyong sakit sa ulo. Magpapaluto tayo ng lugaw na masabaw at maraming toge. I want toge!” malakas kong sabi habang hinihimas ko ang aking tiyan. Naligo na rin ako habang iniisip na ang masarap na lugaw na masabaw at maraming toge. Naglalaway na ako rito kaya tinapos ko na ang paliligo ko, nagsuot na ako ng maternity dress ko and lumakad na rin palabas ng aking room. “Nagugutom na kami~” pakantang sabi ko habang pababa na ako ngayon. Na