IRISH POV: NAKAUWI na kami ni Papa sa bahay namin. Una kong ginawa ay umakyat agad sa kʼwarto ko at para masubukan na itong pregnancy test kit na binili ko kanina. Narinig ko pa nga ang boses ni Mama nang tawagin ako, pero hindi ko na siya pinakinggan mo na. Ni—lock ko ang pinto ng room ko at pumasok sa banyo. Nilabas ko ang tatlong pregnancy test kit at binasa ang instructions na kasama nito. “So, kapag two lines and positive ang result, then kapag one line ay negative.” Basa ko roon. “Sana one line.” Panalangin ko sa aking sarili. Umihi na ako sa isang lalagyan at pinatak na iyon sa three pregnancy test kits na binili ko. Kailangan ko na lamang ay maghintay ng ilang minuto para makita ang result talaga. May nakikita na ako. “Please... Please... One line,” panalangin ko habang

