IRISH POV: “IRISH, sigurado ka bang ayos ka lamang? Hindi ka na ba nasusuka?” Tinignan ko si Mama na bakas ang pag—aalala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumàngo. “Opo, Mama. Maayos na po ang pakiramdam ko. Pinadalhan niyo rin naman ako ng ointment na ito para sa tiyan ko po at maging ang gamot. Pero, okay ba po talaga ako, Mama. Wala rin naman akong gagawin sa hardware, tayo lang naman po ako roon kapalit mo po, kaya huwag na po kayong mag—alala sa akin.” Pagpapanatag kong sabi sa kanya. “Sigurado ka ba, anak?” “Opo, Mama. Kung mag—i—stay po ako rito baka lalo lang akong magkasakit. Paniguradong may nakain lamang ako kagabi kaya sumuka po ako.” “Sabihan mo ang Papa mo kapag sumama muli ang sikmura mo, ha? Bilin niyang sabi sa akin. Tumango ako sunod—sunod sa kanya. “Opo, Mama!”

