IRISH POV NAPABANGON ako nang makaramdamn ako ng pagkagutom. Kumukulo na ang tiyan ko kaya bumangon ako sa kama at napatingin ako sa wall clock, pero ganoʼn na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makitang 11:40 naʼng umaga, twenty minutes before twelve noon. “Hala!” bulalas kong sabi at kinusot pa ang aking mga mata, baka kasi nanamalikmata lamang ako, pero hindi. Totoong 11:40 na sa wall clock na iyon. Napabangon ako nang mabilis at pumasok sa banyo ko, para makaligo at makapag—toothbrush na ako. Hindi ko inaasahan na ganito pala ka—antukin ang isang buntis. Nang matapos akong maligo and nagsuot na ako ng damit ko, hindi pa naman malaki ang aking tiyan ko kaya hindi ko pa need ang maluluwag na damit. Nang matapos akong mag—ayos ay bumaba na rin ako para kumain, kumakalam na ang si

