TODAY ang gender baby reveal na inorganize nina Poppy and Millie para sa akin. Dito sa bahay namin ang venue kaya umagang—umaga ay gising na ako dahil sinabi ko sa organizer ang tunay na gender ng pinagbubuntis ko. Para malaman ang gender ng baby ko ay magpapalipad ng maraming drone mamaya, at doon ay sasabihin kung boy or girl ang pinagbubuntis ko. Iyon ang gusto ni Poppy. Akala ko nga sa cake, poppers or sa balloon lamang malalaman ang gender, pʼwede rin pala sa drone. Nakatingin ako sa maraming tao na nag—aasikaso sa likod bahay namin, ang dami nila at kanya—kanya silang may ginagawa. “Need ba talaga nito, Poppy?” tanong ko sa kanya. Siya itong may pakana at dito pa sa bahay namin ang venue talaga. “Of course, Selena! This is celebration for being into motherhood and engagement

