NARIRINIG ko na ang tugtog na napili ko para sa pa—martsa ng mga flower girl, ring bearer, Bible bearer, bridesmaids, groomsmen, and mga ninong at ninang na napili namin. Sila na ang mga naglalakad sa loob ng simbahan at ako heto ay nakaupo pa rin sa backseat ng bridalʼs car ko, hindi mapakali. “Miss Selena?” Napalingon sa akin si kuya John. “Miss Selena, lalabas na rin po ako. Iiwan kong bukas ang aircon at ibibigay ang susi sa coordinator ng wedding niyo po,” sabi ni kuya John sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi. “P—po?” tanong ko saa kanya. “Manonood din po ako ng wedding niyo. Hindi na po kasi pʼwedeng pumasok kapag nasa harap na kayo ng church door. Kaya kailangan ko ng makaupo sa loob, Miss Selena. Huwag po kayong mag—alala, marami pong guards ang nakapaligid sa buong wedding

