NAKAHINGA na rin ako nang maluwag nang matapos na kaming kumain ng lunch, tapos na rin ang subuan serye namin ni daddy Kaladin. Kahit hiyang—hiya ako ay naubos ko ang aking pagkain dahil gutom na gutom na rin kasi ako. Ayokong mamatay sa gutom, ha? Lumabas na kami at ngayon ay naglalakad naman papunta sa Dotonbori, walk—in distance na lamang ang kinain naming restaurant sa Dotonbori at ngayon ay magsha—shopping na kami. Nasa akin pa rin si Kepler at nilagay ko siya sa baby carry bag niya, para hindi ako mangawit at si Kalinda naman ay nasa stroller nila at tulak—tulak iyon ni ate Grace. Habang naglalakad kami sa lugar na maraming tao ay kumabog nang husto ang dibdib ko. Napahinto ako at lumingon sa paligid nang mapansin may tumitingin sa amin ngayon. “Why, mommy? May gusto ka bang bilhin