HINDI ako mapakali habang nakatingin ako kina Kalinda and Kepler na mahimbing na natutulog pagkatapos nilang umiyak nang umiyak. Nakita ko pa ngang may dugo sa damit ni Kalinda, mukhang galing kay daddy Kaladin iyon. Ako ang naaawa sa kambal kong anak dahil nagwawala talaga sila. Mukhang naramdaman nilang nasa panganib ang daddy nila. Gusto ko ring umiyak, pero pilit kong pinapatatag ang damdamin ko para hindi rin mag—alala sila mom sa akin, pero kanina talaga ay gusto kong lapitan si daddy Kaladin nang makita siyang nakadapa sa kalsada. Iyon nga lang hindi ako nakalapit dahil iniisip ko rin ang kaligtasan ni Kepler. “Miss Poppy, pinapatanong po ni Madam Shirley kung ayos lang po ba kayo? At, kung nagalaw niyo na ang food niyo—hindi pa po pala.” Nakita ko ang tingin ni ate Grace sa pagka