NAKAUPO na kaming lahat dito sa living room habang hinihintay ang pagdating ni kuya Buzz na galing sa hospital. Hawak—hawak ko na ang bag kung nasaan ang mga damit na kinuha ko para sa kanya. “Madam, dumating na po si Sir Buzz.” Kumabog ang puso ko nang marinig ang sinabi ng maid kay mom Andrea. Tinanguan niya ang maid at tinignan niya ako. “Handa ka na ba, Iha?” Tumango ako sa kanya. Handa na talaga akong makita si daddy Kaladin, miss ko na rin siya kahit isang araw ko siyang hindi nakita. “Yes po, mom Andrea. Handa na po akong puntahan siya sa hospital para alagaan.” Hindi rin nagtaggal ay nakita ko na rin si kuya Buzz na ganoʼn pa rin ang suot niya, walang kapalit—palit at magulo ang buhok, may dugo rin akong nakita sa puting damit na suot niya. “Buzz, kumusta ang boss mo?” ser