NARAMDAMAN ni Cielo ang paghawak ni Atticus sa mga kamay niya at sinubukan iyong kalasin. Mariin siyang pumikit at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap dito. "Huwag kang bumalik sa kaniya," nakapikit niyang pigil sa lalaki. Sandali lang natigilan si Atticus, pero makalipas ang ilang segundo ay narinig niya itong nagpakawala ng buntong-hininga. Muli ay mahigpit nitong hinawakan ang dalawa niyang kamay at pilit iyong inalis mula sa pagkakayakap dito. Nang magtagumpay ang lalaki ay muli niya itong hinawakan sa braso. "Alam kong hindi mo siya mahal, Atticus. Ako, ako pa rin ang mahal mo. Nararamdaman ko iyon!" mariin niyang bulong. Halos magmakaawa sa paanan nito. Mataman niya itong tinitigan mula sa likuran. Muli niya itong narinig na ngbuga ng hangin. "Walang nangyari sa inyo, hindi ba?