Chapter Twenty-five |2|

1038 Words

"Iyon naman pala. Bumalik ka na lang sa kuwarto mo at hintayin na lang ang pagdating nila. Ipapatawag kita kapag oras na ng hapunan," mahaba nitong sabi nang hindi siya binabalingan ng tingin, bago muling ibinalik ang atensiyon sa paghihiwa ng gulay. Sa halip na sundin ang sinabi nito, nanatili siya sa tabi ng babae at naghila pa ng upuan upang makaupo. "You know what, Cielo, pareho kayo ni Mommy." Bahagyang natigilan ang babae sa kaniyang sinabi. Sandali siyang nilingon nito bago muling binaling sa ginagawa ang mga mata. "She once told me about her friend na isang restaurant owner. Dahil sa kaibigan niyang iyon, na-inspire siyang magluto," kuwento niya at uminom ng tubig sa hawak na baso. Ngumiti si Cielo ngunit hindi siya nito nilingon. "Talaga? Bakit nga pala gusto mong ipagluto si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD