Chapter Twenty-five

1097 Words

MATAPOS ng apat na gabi at tatlong araw na pananatili sa hotel, nagulat siya nang huminto ang taxing sinasakyan nila sa labas ng tarangkahan ng kanilang mansiyon. Bumaba na si Atticus at kinuha ang mga gamit nila habang siya ay naiwan sa loob ng kotse at nagtataka. Nang makita ang pagbabayad nito ng pera sa taxi driver ay agad siyang lumabas ng sasakyan at humabol dito. Hinawakan niya ito sa braso upang pigilan at pinakatitigan nang mabuti sa mukha. "Bakit tayo nandito? Hindi ba tayo pupunta sa coffee shop mo?" maang niyang tanong sa asawa. Hinubad ni Atticus ang suot nitong itim na sunglasses at isinabit sa pagitan ng suot nitong dress white shirt. "Dito tayo titira," diretsong sabi nito at pinaglakbay ang mata sa kabuuan niya. Agad na nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Gusto pa sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD