INILAPAG ni Atticus ang hawak na selpon matapos nitong mabasa ang ipinadalang mensahe ng dalagang si Malina. Kinuha niya ang bote ng alak sa mesa at uminom. Ayon sa babae, inatake raw sa puso ang daddy nito at kasalukuyan silang nasa isang pribadong ospital. Bahagya siyang umiling matapos inumin ang natitirang laman ng bote. "Hindi pa ako nag-uumpisa, unti-unti na kayong nasisira," tila wala sa sariling sambit niya. Luminga siya sa paligid at pinakatitigan ang mga taong kumakain at nagkakape sa shop niya. Tumaas ang isa niyang kamay at tinawag si Peter. "Kalahating araw lang tayo ngayon. Ikaw na ang bahalang magsabi sa dalawa," aniya sa lalaki bago tuluyang tumayo at lumabas ng sariling kapihan. Sa paglabas niya ay sinalubong agad siya ng maalinsangan na hangin. Kumunot ang noo niya n