Epilogue

1361 Words

MARIING kumunot ang noo ni Malina matapos marinig ang sinabi ng tindera. "M-magkano nga po ulit?" Umismid naman ang babaeng tindera na may katabaan at sa palagay niya ay nasa early forties ang edad. "Isaangdaan, dalawa." Umawang ang bibig niya at marahas na nagbuga ng hangin mula sa bibig. Kasalukuyan siyang nasa palengke at namimili ng mga gulay at ilan pang isasahog para sa adobong manok na binabalak niyang lutuin. "Aling Chona naman, overpriced naman masiyado itong patatas n'yo!" aniya at ibinalik ang patatas na hawak niya sa kamay. Napahawak naman sa baywang nito ang babae at inarkuhan pa siya ng isang kilay. "Aba, hoy, kung natataasan ka sa paninda ko, sa iba ka bumili! Ang laki na nga niyang patatas ko, nagrereklamo ka pa?" "Talaga!" nakasimangot naman niyang sabi at akma nang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD