Lumapit sila sa malaking mesa kung saan naroon si Tiago. Agad naman itong natigilan nang mabaling sa kasama niyang si Atticus ang tingin nito. Nilapitan niya ang lalaki at hinalikan ito sa pisngi. Awtomatikong naglandas ang kamay nito sa likod niya, lalo na sa kaniyang puwetan. "Happy birthday, Mister Delgado," bati niya sa isang lalaking sa tantiya niya ay nasa late 60's na ang edad. Malapad itong ngumiti at itinaas pa ang hawak na kopita. "Akala ko hindi na sasama iyang lalaki mo," natigilan siya nang marinig ang tinuran ni Tiago. Palihim niyang tinapunan ng tingin si Atticus at nakitang walang reaksiyon ang mukha nito. Tila ba wala man lang itong pakialam sa nangyayari sa paligid. Malalim siyang bumuntong-hininga bago ngumiti sa mga taong naroon. "Please, excuse us," aniya at agad