Chapter Thirty-five

1112 Words

ILANG beses din silang nag-iwasan ng tingin ni Atticus matapos nitong halikan siya sa harap ng mga tao sa loob ng restaurant. Ang mga tao naman ay tila tuwang-tuwa pa sa nakita dahil bigla na lang pumalakpak at humiyaw ang ilan sa mga ito. Kasalukuyan silang kumakain nang bigla siyang natigilan dahil sa naalala. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at nakita itong abala sa pagkain. Noon lang niya nakitang kumain nang marami si Atticus. Sa mansiyon kasi ay hindi ito palakain. Para ngang walang gana lagi ang lalaki sa tuwing kumakain. Mula sa guwapong mukha ng asawa niya ay binaling niya ang tingin sa mga pagkaing nasa harap nila. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit sila nagpunta roon. Hindi tuloy niya mapigilan ang sarili na kiligin. Binaling niya ang mga mata sa counter at inisa-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD