ANG MALAKAS na sigaw mula sa labas ng silid ang nagpatigil sa pag-uusap nilang mag-asawa. Pareho silang nabaling sa pinto ng kuwarto ang paningin habang puno ng pagtataka ang buong mukha. Nang makarinig sila ng mga yabag mula sa labas, sa paraan pa lang ng paghakbang nito, alam na nila agad na may ibang taong nakapasok sa mansiyon. Mabilis siyang hinawakan ni Atticus sa kamay, tumayo ito at ikinubli siya sa likuran nito upang itago. Halos manlaki naman ang mga mata niya nang sapilitang binuksan ang pinto ng kuwarto at pumasok ang tatlong armadong mga lalaki. Kumabog nang malakas ang kaniyang puso nang tutukan sila ng mga ito ng baril. "Labas!" sigaw ng isa sa mga lalaki. Armalite ang hawak nito at may takip na itim sa buong mukha. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Atticus nan