May dalawang lalaking lumapit sa kaniya at sinubukan siyang kunin ngunit mahigpit siyang yumakap sa noo'y namumutla nang asawa. "Bitiwan n'yo ako! Lumayo kayo! Ano ba!" Kumalas siya kay Arnulfo at malakas na sinampal ang isang lalaking pilit na humahawak sa kaniya. "Ang sinabi ko, lumayo kayo!" Tila natigilan naman ang dalawang lalaki. Napaatras ang mga ito at muli niyang binalingan ang asawa. "Arnulfo, patawad! Patawarin mo ako, honey!" paulit-ulit niyang sinambit habang nakayakap dito. Nabahala siya lalo nang mapansing nangingitim na ang mga labi ng asawa. Tila naghahabol na ito ng hininga. Matalim ang mga matang binalingan niya ng tingin ang lalaking may hawak ng baril na nakatutok dito. "Ibaba mo iyan! Ibaba mo!" sigaw niya na halos pumatid sa mga litid sa leeg niya. Naramdaman