LUMAPAD ang ngiti sa mga labi ni Malina nang makita ang lalaki sa loob ng coffee shop na pagmamay-ari nito habang nakatayo sa tabi ng counter at kausap ang isang staff. Nagmadali siyang pumasok sa loob at agad na nilapitan ang binata. Sumilay ang pinaghalong gulat at pagtataka sa mukha ni Atticus nang makita siya. Mataman pa nitong tinitigan ang mukha niya na tila hindi makapaniwala sa nakikita. "You really mean it? Payag ka nang magpakasal sa akin?" masigla niyang tanong. Hindi alintana ang ibang taong nakaririnig sa sinabi niya. Natigilan muli ang lalaki bago nagsalubong ang dalawang kilay. Nilingon nito ang cashier nitong si Nate at napansin ang gulat na reaksiyon sa mukha nito dahil sa narinig mula sa kaniya. Muli siyang binalingan ni Atticus at hinawakan siya sa kamay bago hinila