Tumikhim si Atticus at napipilitang humarap sa camera. Hindi ito nag-abalang ngumiti dahil alam na naman ni Malina kung anong klaseng lalaki ang pakakasalan niya. Matapos nilang mag-picture nang ilang beses, ipinaliwanag na niya sa lalaki ang dapat nilang gawin. Sinabi na rin niya rito ang dahilan kung bakit siya gustong ipakasal ng daddy niya. "Bakit hindi mo na lang tanggapin ang kompanya n'yo? Kapag ginawa mo iyon, hindi ka na pipiliting magpakasal ng daddy mo." Sandali siyang huminto sa pagkalikot sa sariling selpon nang marinig ang sinabi ng lalaki. Nilingon niya ito at nginitian. "I just want a simple life, Atticus. Ayaw kong maging CEO ng isang kompanya at ubusin ang oras ko sa pagpapatakbo nito." Mula sa babaeng nakatayo at nakatanaw pa rin sa kanila, pinilit ni Atticus na iba