"SABIHIN mo sa akin kung magkano ang kailangan mo, ibibigay ko. Huwag ka lang magpakita bukas." Lumunok si Cielo at mariing ikinuyom ang mga kamay. Muling nagbalik sa kaniya ang naging pag-uusap nila ng asawang si Arnulfo noong nagdaang gabi. Matagal siyang nakaupo at nakatitig sa harap ng malaking salamin. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang senaryong naabutan kanina. Ang mga hawak ni Malina kay Atticus, ang pagyakap ng babae rito. Nagbuga siya ng malalim na hangin dahil pakiramdam niya, pinipiga ang puso niya. Nahihirapan siyang huminga. Mula sa walk-in closet sa loob ng silid nila ay lumabas si Arnulfo habang suot nito ang ternong pantulog nito. Nagtungo ito sa kama nila, at pagkatapos ay kinuha ang gamot at isang baso ng tubig sa ibabaw ng side table. Mula sa repleksiyon ng