KINAGAT ni Malina ang ibabang labi habang nakatingin sa nag-iisang kama sa loob ng suite na para sa kanila ni Atticus. Tapos na ang reception kaya umakyat na sila sa kanilang kuwarto para sa tatlong gabing honeymoon nila. Naiilang siya pero lihim pa rin siyang napangiti. First time nila iyon kaya inaasahan niyang gagawa sila ng memorableng bagay. "Huwag kang mag-alala, hindi tayo matutulog sa iisang kama," mabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin iyon ni Atticus. "Ano? Bakit hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. Natigilan naman sa pag-aayos ng damit sa maleta nito si Atticus. Nagtataka itong nilingon siya mula sa mahabang sofa na kinauupuan nito sa tabi ng salaming pinto ng balkonahe. "Gusto mo yatang may mangyari sa atin, e." Ngumiti pa ito ng ngiting tila mas maliwana