"Para kang CCTV," walang ganang sabi ng binata. "Napansin ko lang na hindi siya mapakali." Naibaba niya ang hawak na kutsara at mariing tinitigan ang lalaki. Nakatingin ito sa sariling plato at kumakain pero alam niyang wala roon ang atensiyon nito. Base sa mga kilos nito, halatang marami itong iniisip. "Ibig sabihin, nakatuon kay Cielo ang atensiyon mo?" Ngumuso siya matapos itanong iyon. Muling natigilan sa pagkain si Atticus. Binitiwan nito ang hawak na kutsara at tinitigan siya. "Ano bang ibig mong sabihin?" bakas sa boses nito ang bahagyang pagkainis. Nakikita niya rin sa mga mata nito ang tila ba mga salitang tinatago nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang hindi mag-isip nang kakaiba. "Para mapansin mo na hindi mapakali ang isang tao, kailangan, mataman mo siyang titigan." Kahi