Chapter Eighteen

1228 Words

INIWAS ni Atticus ang sariling mga mata mula sa babae at mariing ikinuyom ang mga kamay. Makalipas lang ang ilang segundo ay binalingan naman niya ng tingin ang lalaking halos umusok na ang dalawang butas ng ilong dahil sa matinding galit. "Alam mo ba ang tungkol dito?" nagtaas ito ng boses sa asawang si Cielo. Magkahalong kaba at pangamba ang makikita sa mukha ni Cielo nang piliin nitong magbaba ng paningin. Nanginginig ang mga kamay at hindi magawang magsalita. Lihim siyang napangiti sa nakikita. Mukhang umpisa pa lang pero problema na ang dala niya sa pamilya ng mga ito. "Seryoso ako kay Malina. Kaya ko sinasabi ito dahil ayaw kong maglihim sa kaniya," mahinahon niyang litanya at muling nilingon si Cielo para makita ang reaksiyon sa mukha nito. Ibig niyang ngumisi nang makitang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD