Gusto niya sanang pagalitan ang babae dahil nagagawa pa nitong makipag-date sa oras na namomroblema ang kompanya. Ngunit mariin niyang pinigilan ang sarili. Parating na si Arnulfo at ayaw niyang madatnan sila nito sa ganoong akto. "Aakyat na ako," walang-gana niyang wika at mabilis itong tinalikuran. PAGSAPIT ng umaga ay kinakabahang lumabas ng sariling silid si Malina at nagmamadaling bumaba ng hagdanan. Nagpatawag na rin siya ng taxi upang mabilis na makaalis. Nagpahatid siya sa kapihan ng lalaki upang sunduin ito. Pakiramdam niya kasi ay lalabas na ng dibdib niya ang sariling puso dahil sa lakas ng pagtibok nito. Gusto niyang masiguradong darating ang binata kaya siya na mismo ang pupunta kay Atticus. Alas-diyes na nang makarating ang taxing sinasakyan niya. Sakto naman na sa paglab