ANG IMAHE ng mukha ni Malina habang malungkot itong nakangiti ang pilit na gumugulo sa isipan ni Atticus mula pa sa nagdaang gabi. Alas-sais y medya na ng umaga pero maging sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito bumabalik. Gusto niya itong hanapin. Gusto niyang pawiin ang lungkot at sakit na nararamdaman nito pero paano niya gagawin iyon kung wala siyang maibigay na rason dito. Hindi niya magagawang sabihin na kaya nahulog ang singsing niya sa labahan ay dahil nakipagtalik siya kay Cielo sa lugar na iyon. Hindi puwede, hindi niya kaya dahil baka mawala siya sa sarili oras na makita itong umiiyak. Matapos ayusin ang sariling necktie, nilapag niya sa ibabaw ng kama ang kaniyang jacket at lumapit sa upuang nakaharap sa aquarium. Iyon ang unang pagkakataong napagmasdan niya iyon sa malapi