ALAS-SIETE na ng gabi nang bumaba si Malina sa kusina upang kumuha ng maiinom. Iyon din ang oras ng pagdating ng daddy niya at ni Atticus pagkatapos ng trabaho ng mga ito. Kung minsan naman ay alas-siete y medya. Tapos na sa pagluluto ang mga katulong nang makababa siya at nililipat na lamang ang mga pagkain sa dining room. Matapos kumuha ng maiinom ay nabaling ang tingin niya sa pintuan ng silid-labahan nang makita itong bumukas at lumabas ang isa sa mga katulong nila. Kasalukuyan siyang umiinom ng tubig nang mapansing papalapit sa kinaroroonan niya ang katulong na galing sa labahan. Naibaba niya ang hawak na baso nang makita ang bagay na dala-dala nito sa isang kamay. "Ma'am Malina, nakita ko po sa sahig sa loob ng labahan. Baka po sa inyo?" untag ng babae matapos niyang kunin ang sin