BAHAGYANG napasinghap si Malina nang maramdaman ang mainit na palad ni Atticus nang dumampi iyon sa nanlalamig niyang kamay. Nilingon niya ito at nakitang walang emosiyon ang mukha nito habang diretso ang tingin. Kasalukuyan nilang tinatahak ang kahabaan ng pasilyo sa third floor ng ospital. Sa dulong bahagi nito ay naroon ang pribadong silid ng kaniyang daddy. Kanina nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Cielo na gising na ang daddy niya, labis niyang ikinatuwa ang balitang iyon. Ngunit nang mabasa ang kasunod sa mensahe nito, nilukuban siya ng matinding pangamba. Ayon sa babae ay gusto siyang makausap ng daddy niya. Gusto rin nitong isama niya si Atticus dahil may kailangan itong sabihin sa kanilang dalawa. Nag-aalinlangan man sa gagawin, mabilis iyong naglaho nang nakangiting tum