Humigpit ang pagkakahawak niya sa tray nang marinig ang mga sinabi ng lalaki. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya sa mga nalaman. Iyon pala ang balak nito kaya gusto nitong ipakasal na agad si Malina. Para may magpatakbo ng kompanya nito. Halos manginig ang mga kamay niya dahil sa nararamdamang inis. Mariin siyang lumunok at pinilit ang sarili na huwag intindihin ang mga nalaman. Kumatok siya sa pinto at may ilang segundo pa ang lumipas bago siya pinapasok sa loob. Sinalubong niya ang dalawa ng malapad na ngiti sa mga labi. Nakaupo sa desk chair nito si Arnulfo habang nasa harap naman nito si Atticus. Bigla siyang napalunok nang makita ang matalim na titig ng dating asawa. Ang mga titig nitong punong-puno ng pagmamahal noon para sa kaniya. "Dinalhan ko kayo ng dessert," nakangiti