HININTAY lang nilang lumubog ang araw bago sila aalis. Napansin ni Narian si Alessandro na pumipitas ng puting rosas. Palaging advance ang isip niya kaya naunahan na niya ang isang senaryo. Ini-expect niya na sa kanya ibibigay ni Alessandro ang rosas. Pero bigla na itong nagyayang umuwi na hindi ibinibigay sa kanya ang bulaklak. Malaking disappointment ang nararamdaman niya. Pagdating nila sa academy ay natagalan sila sa labas ng gate. Walang guwardiya na nakaabang. Ginamit ni Alessandro ang palad nito para mabuksan ang gate. In-scan sa monitor ang kamay nito. Registered member ito kaya bumukas ang gate. Naglalakad na sila papasok sa main door nang matanaw niya sa salaming bintana ng isang kuwarto ang lalaki. Napahinto siya. May makapal na kurtina ang bintana at nakasilip lang ang kalaha