MULA sa kuwarto ni Narian ay dumiretso si Alessandro sa kulungan ng mga bihag. Nasa cage eleven nakapiit si Hero. Mataas ang boltahe ng kuryente na nasa rehas na bakal ng kulungan nito. HInihigop nito ang kapangyarihan ng anumang nilalang na nakakulong dito kaya hindi maaring makapag-teleport si Hero. Nakahiga sa single bed si Hero pero ramdam niya’ng gising lang ito. “Talk to me, Hero,” sabi niya rito. Bumalikwas nang upo ang lalaki. Humarap ito sa kanya. May dalawang dipa ang pagitan niya rito. “What?” untag nito. “Palalayain kita kung magsasabi ka ng totoo. Saan mo itinago ang katawan ng tatay mo?” aniya. Tumawa nang pagak si Hero. “Hindi ko alam. Wala ako sa Libertad noong nawala siya,” nakangising sagot nito. “O baka gusto mo ring ibintang sa akin ang pagkamatay ni Dr. Swarz? Gan