IPINAGLIBAN muna ni Alessandro ang pagbuo sa vaccine para tapusin ang blood test ni Narian. Hindi kasi siya mapakali. May pakiramdam siya na may nangyayaring hindi normal sa dalaga. Base na rin sa kuwento ni Farah, madalas daw nagigising sa alanganing oras sa gabi si Narian at umiiyak. Minsan ay kain ito nang kain. Minsan din ay bigla na lang nananakit ang babae. Wala siya masyadong alam tungkol sa psychological issue. Matino namang kausap ang dalaga. Pasado alas-unse na ng gabi nang natapos niya ang pagsusuri sa dugo ng dalaga. Mabuti hindi lumalabas ng clinic si Narian. Malaking distraction kasi ito sa kanya. He just want to help her to recover what ever she suffering with. Mamaya ay pumasok si Farah. May dala itong tray ng pagkain. “Kumusta na po ang pinsan ko, Doc?” tanong nito. “I