Chapter 11

2876 Words

NAKATITIG  lang si Alessandro sa nakangiting mukha ni Narian. Bigla siyang tinubuan ng paghanga sa pisikal nitong anyo. Maganda ito kung sa maganda, pero may nakikita siyang mas maganda sa pagkatao nito. Siguro kailangan lang niyang makilala ito nang lubusan. Pero naroon pa rin ang kabilang bahagi ng isip niya na tumututol sa kanyang nararamdaman. Hindi dapat siya magpatalo sa tukso. Iginigiit niya sa kanyang sarili na natutukso lang siya kaya siya nakadadama ng ganoong emosyon. “Saan mo naman ako dadalhin kung kuwan, Doc?” mamaya’y tanong ni Narian. Hindi kaagad siya nakasagot dahil iniisip pa niya kung saan may magandang pasyalan nang maalala na nag-o-offer pala siya rito ng lugar kung saan ito puwedeng magpahinga. “Uhm, I don’t know the name of the place but I know how to get there.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD