INIHANDA na ni Alessandro ang mga gamit na dadalhin niya papuntang Spain. Hindi na pinaalam ng daddy niya sa kanyang ina kung ano ang gagawin nila sa Spain. Takip-silim silang umalis. Mahaba-haba ang lalakbayin nilang mag-ama kaya uminom siya ng maraming dugo.
Pagdating sa himpilan ng Libertad Organization ay mainit naman silang tinanggap ng mga tauhan ni Howard. Mas komportable si Howard na kausap silang mag-ama kumpara kay Dario. May sama ng loob pa rin si Howard kay Dario dahil sa mga nagdaang sigalot sa pagitan ng mga ito. Dinala sila ng mga tauhan sa tanggapan ni Howard. Nakaupo ito sa trono nito habang sumisimsim ng inuming dugo.
“Welcome to Libertad, my dearest visitors!” bungad sa kanila ni Howard.
Hindi yumukod si Zyrus, pero si Alessandro ay ibinaba ang sarili bilang paggalang sa mas nakatataas sa kanya. Yumukod siya. He has to be transparent to get Howard’s one-hundred-one percent trust.
“Thank you, Howard! He’s my son, Alessandro,” ani ni Zyrus.
Tumayo si Howard at humakbang palapit sa kanila. Huminto ito sa kanyang tapat may dalawang dangkal ang pagitan. Hinaplos nito ang pisngi niya. Tumitig naman siya sa kayumanggi nitong mga mata.
“You’re such a beautiful guy. You look like your father’s grandfather. You are the young version of Dr. Dan Hance Clynes, known as the scientist legend. And I think, you got his dangerous eyes. You are the reason why I can’t refuse your father’s favor. Of course, The name Alessandro was known as ‘the defender of mankind’. And I believe that you can save all living things in the world. But I can’t promise you that Dr. Swarz will cooperate with you. He already decided to burn his immortal body to kill the cures of his bloodlines. I haven’t told Zyrus about Dr. Swarz's problem. You better talk to him personally,” sabi ni Howard sa kanya.
“Thank you for giving me permission, sir,” he said politely.
“You’re welcome. But only you can talk to him, Sandro. Your father will be staying here and wait. He knows the reasons why,” anito.
Tumango siya. Tinapik naman ng kanyang ama ang likod niya. Iyon ang good luck sign nito.
Pagkuwan ay iginiya na siya ni Howard patungo sa kuwarto ni Dr. Swarz. Iniwan na siya nito sa loob. Hindi bedroom ang pinasok niya, kundi isang laboratory. Nakikita niya ang sarili ksnysng kay Dr. Swarz. Nagsisilbing kuwarto na rin niya ang laboratory. Siguro magiging katulad din siya nito after hundred years.
The laboratory was not huge as their laboratory but the equipment was obviously high-tech. It was surrounded by a stainless divider where the chemicals and specimen were placed. He stopped in front of the sensored door.
Pagbukas ng pinto ay pumasok na siya. Nagulat siya nang madatnan si Hero Swarz sa loob ng maluwag na silid. Pulos puti ang pintura ng silid. May nakita siyang malaking kama, kung saan ay may nakahigang matandang lalaki. Si Hero ay nakasandig sa pasamano habang may sinisimsim na blood jice sa may kopita. Ito ang apo sa talampakan ni Dr. Swarz, na naging kaklase niya sa university sa London. Pero hindi naging maganda ang mga tagpo sa pagitan nila. He was insecure since he got the top one rank after their final exam.
“Maligayang pagdating, Sandro!” nakangiting bati sa kanya ni Hero.
Nawindang siya. Paano ito natutong managalog? Naisip niya, baka tinuruan ito ni Zack, na best friend nito.
“Salamat. How did you know?” aniya.
“What?” nalilitong tanong nito. Humakbang ito palapit sa kanya.
“Alam mo ba na pupunta ako rito?” sagot niya.
Huminto ito may isang dipa ang pagitan sa kanya. Humalukipkip ito.
“Yes. Sinabi ni Howard.”
“Kailan ka natutong managalog? Did you stay in the Philippines?” usisa niya.
Ngumisi si Hero. “Yes,” he replied why staring at him intently. “But I was disappointed at my last visit there. I had lost something important to me. I want to visit there again but my great grandfather wants me to stay with him until he ends up his life. I felt bad about it. I felt I’m weak. He doesn’t even trust me,” kuwento nito.
“Your grandfather needs you to recover his job.”
“Yeah but he doesn’t care to care his knowledge to me. And this is embarrassing, your know. I felt jealous of you, Sandro. Ikaw ang gustong makita ng lolo ko. I have to admit that you’re the one who deserves to be called ‘the defender of mankind’. And I am only a hero, who saves the life of ordinary creatures. But good thing you are here. Hindi na maghihirap ang lolo ko. Go ahead. Talk to him,” seryosong pahayag ni Hero.
He took a deep breath. He didn’t surprise me. Hero always comparing himself to him. Wala naman siyang pakialam doon. Ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin.
“Thanks, man,” sabi niya. Kinamayan niya si Hero.
Ngumiti lang ito, pagkatapos ay iniwan na siya.
Kahit nakapikit si Dr. Swarz, ramdam ni Alessandro ang gising na presensiya nito. Maaring alam nito o kilala kung sino siya. Ang sabi ng daddy niya, patay ang puso ng matandang doktor pero aktibo ang utak nito. Nagdala ng sample ng dugo niya ang daddy niya noong unang punta nito sa Liberted. Pinatikim ni Howard kay Dr. Swarz ang dugo niya upang makilala siya nito.
“Bienvenida, hijo! My pleasure to meet you in person!” bati sa kanya ni Dr. Swarz.
Biglang umupo ang matandang doktor at nagmulat ng mga mata pagkaharap sa kanya. Yumukod siya bilang paggalang dito.
“Gracias, Dr. Swarz. I’m grateful to meet you in person and for giving me a warm welcome. I’m hoping for good news from you. I wish I could get enough idea from you,” he said.
Tumayo ang ginoo. Parang wala itong iniinda sa katawan, taliwas sa sinabi ni Howard na patay ang kalahating katawan ni Dr. Swarz. Lumabas sila ng silid nito.
“Honestly, I don’t know how to handle the situation after some countries declare a zombie apocalypse. I just made my decision. I can’ trust Hero anymore. His pride wasn’t helping. He insists that the situation was listed already to the world’s prophecy and it was a curse,” he said with full of disappointment.
“Hero was just impatiently understood you and cares about you. I know him. He was a heartless creature. But I believe that he could be a better man.”
“I got your point, Dr. Clynes. But Hero was the son of the devil who created the cures for immortals. And I don’t want to tolerate him to believe and depend on that idiot idea. Here,” wika ng ginoo habang palapit sila sa malaking incubator na may lamang hubot-hubad na lalaki. Itinuro nito ang lalaki na nasa loob ng incubator.
“Who’s that?” tanong niya nang huminto sila sa tapat ng incubator.
“He’s Hero’s father. His name is Riosen. That evil man destroyed all my ideas. He was my third-generation grandson and the only son of my son. Riosen served the devil before he became a hybrid vampire. I tried to rescue him from the group of evil who wants to destroy humans’ mortal bodies and spirits. They live in the darkest part of the earth. Riosen evil spirit has been detained in his own immortal ring. Only human who has pure and strong blood can give him freedom.”
“I’m glad to hear the story behind Riosen’s life, Doctor,” aniya.
Dr. Swarz nods. “Anyway, I can’t give you the formula of all viruses and vaccines that I have. But I will try to put everything in your mind. Fallow me,” kuwento nito, pagkuwa ay iginiya siya sa isa pang kuwarto.
Hindi marunong magsulat sa papel si Dr. Swarz. Lahat ng ideya nito ay nakatala sa utak nito. Meron itong machine kung saan makikita lahat ng formula na ginawa nito. Nakita niya ang kasalukuyang pag-aaral nito sa rabia escota virus.
“I can’t finish it alone. I need your help, D. Clynes. I already made the formula. You just need more test and starts the formula for the vaccine. You can try a clinical trial in every sample you would have done. My body was unable to work hard with chemicals. These will be my last projects before I die. Since you are here, I will give you my ideas and it’s up to you if you want to continue or not.”
“I only need the exact formula for the vaccine that may fight all possible strains of the virus. It’s difficult to do the vaccine for a virus that quickly changes its variant and able to mutate to some other seasonal viruses.”
“I know.” Tinapik nito ang balikat niya. “The rabia escota virus was composed of a strong amount of parasites and viruses that difficult to kill even in heat or cold substance. You need to make a separate experiment. You have to kill the parasite first before combining this formula with some other viruses. They have almost the same formula. Rabia was not an ordinary rabbis found from a dog. The virus and parasites from the rabbis have been mutated, while the first carrier’s body producing its own bacteria and viruses that may trigger much to the parasite and virus that infects him.”
Namangha siya. Kahit hindi umaalis sa puwesto nito ang matandang doktor ay napag-aaralan pa rin nito ang nangyayari sa labas. Malawak ang nararating ng isip nito.
“Yes, the virus started with the carrier dog. I don’t think that the virus mutating inside dog’s body with the parasite found inside,” aniya.
“Remember that if some dogs are affected by a large number of rabbis inside their body, they’re out of control and their saliva can spread the parasite from the rabbis. Dr. Dreel experimented with the combination of two dangerous viruses. He injected the virus into the ordinary dog. And he found a result. But he’s not contented. He combined virus and parasite just to see if there’s a reliable vaccine to kill it. And he found nothing of those vaccines can kill his creation. And I was disappointed in him. His death was not enough to find justice for millions of victims,” mahabang pahayag ng ginoo.
Nakaupo na sa tapat ng monitor si Alessandro at ipinasok na sa kanyang flash drive na may mataas na memory ang laman ng machine. Pag-uwi na nila susuriing mabuti ang mga ideya ni Dr. Swarz. Nagtatagis ang bagang niya habang iniisip na ang lolo niya ang may pakana ng lahat kung bakit maraming tao ang napapahamak. Talagang napakasama pala ni Dr. Dreel.
“Our job was the hardest thing on earth, Sandro. You have to sacrifice everything to have a perfect and successful idea. But you know what I had discovered lately?” sabi ng ginoo.
Napatingin siya sa matandang doktor. Hindi lang siya kumibo pero interesado siya sa sasabihin nito.
“I found new emotions that may help us to create more motivations. We both know that our works are consuming much of our time and ideas. I have never been falls in love. I’m heartless, but for the sake of my legacy, I need to spread my bloodline. I realized that we have to feel admiration, to be inspired, and in love. It helps to produce motivating emotions that will give us a more active mind and nerves. You’re half-human, so I hope you already encountered those emotions.”
Tumigil sa pagtipa sa touch screen monitor si Alessandro. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng ginoo. “I’m not interested in the love-related issue, sir. I want to take control of everything with my mind,” aniya.
Tumawa nang pagak ang ginoo. “I’m amazed.” He caressed his nape softly. It felt relaxing. “I know that your bloodline came from your grandmother’s side. I think you got your mindset from them. Never mind. Just keep going. Let’s see if your idea will work. But I trust your ability. I know you can do it, man.”
“Thank you, sir!” Itinuloy niya ang ginagawa.
HINDI na matanggal ni Narian ang singsing na isinuot niya sa kanyang palasingsingan. Nagtataka siya. Noong sinubukan niya itong isuot four years ago ay maluwag pa ito sa daliri niya. Hindi naman siya tumaba. Wala namang nabago sa katawan niya. Kasya pa rin naman sa kanya ang mga jeans niya. Kahit anong hila niya sa singsing ay ayaw maalis. Nasasaktan lang siya. Masyadong malaki at attractive ang singsing kaya ayaw sana niyang isuot. Nataranta lang siya noong inatake siya ng kamalasan sa laboratory kasama si Alessandro.
Speaking of Alessandro. May tatlong araw na niyang hindi nakikita ang guwapong doktor. Naiinip siya kahit pa busy sa laboratory at nag-a-assist kay Dr. Jegsen Lee at Devey. Meron silang pasyente sa clinic na na-stroke. Meron din silang pasyente na dinapuan ng hindi pa natutukoy na karamdaman. Naka-quarantine ang biktima habang inaalam pa kung anong klaseng sakit ang tumama rito.
May posibilidad daw na virus din iyon. Pero natitiyak naman daw na hindi iyon contagious. Pero ang sentomas nito ay lagnat, sipon at nose and gum bleeding. Nagkakaroon ng rashes ang pasyente. Nagsusuka ito at nahihilo. Pinayuhan lahat ng mga tao na huwag munang lumabas ng mga safe houses dahil sa posibleng pagtama ng ibang uri ng virus dahil na rin sa kontamenadong hangin.
Pasado alas-onse na ng gabi pero nasa clinic pa rin si Narian. Naglibot kasi sa mga safe houses si Charie at ibang nurse para ma-check ang kalusugan ng mga tao. Minu-monitor niya ang pasyente nilang na-stoke. Nasa early sixties na ang pasyenteng lalaki. May history raw ito ng sakit sa puso. Nang makatulog na ang pasyente ay dinalaw naman niya ang naka-quarantine na pasyente. Minsan lang niya nakasama ang babaeng biktima at hindi pa naging maganda ang unang pagkikita nila.
Balot na balot ang katawan niya ng puting hospital gown. Pumasok siya sa kuwarto at tiningnan ang blood pressure at body temperature ng pasyente. Nakahiga lang ito sa kama. Kaninang umaga pagdalaw niya rito ay maaliwalas pa ang mukha nito. Ngayon ay namumutla na ito at nangingitim ang paligid ng mga mata. Nanginginig ang katawan nito na parang ginaw na ginaw.
Akmang hahawakan niya ang mga kamay nito, para sana mapigil ang panginginig nito ngunit bigla siya nitong itinulak. Tumalsik siya sa sementadong dingding. Hindi lang siya makapagsalita dahil makapal ang suot niyang mask at face shield. Maya-maya ay biglang tumayo ang babae at lumapit sa kanya. Kinapitan nito ang kanang braso niya. Napakahigpit ng pagkakahawak nito, na halos mapunit ang manggas ng damit niya.
Ginamit niya ang kanyang kaliwang kamay sa pagtulak dito. Nagulat siya nang parang sinipa ang babae. Tumalsik ito sa kama. Gumagalaw ito pero hindi na makabangon. Maya-t maya bigla itong sumuka ng dugo. Kinikilabutan siya. Hindi lang basta dugo ang isinusuka nito, kundi mga buong dugo. Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatitig sa kanya.
Hindi niya kinaya ang nakikita. Tumakbo siya palabas. Madilim ang pasilyo. Maya’t maya ang lingon niya sa likod nang bigla siyang bumalya sa matigas na bagay.
“Hump!” Suminghap siya nang may mga kamay na humawak sa mga braso niya. Madilim kaya hindi niya maaninag ang mukha ng kanyang kaharap.
“Who are you?” tanong sa kanya ng baritonong boses ng lalaki.
Pamilyar sa kanya ang boses nito.
“I-I’m Narian,” gumagaralgal na sagot niya.
“Where have you been?” tanong na naman nito.
“D-doon sa naka-quarantine na pasyente. M-may nangyayaring hindi maganda sa kanya,” nauutal na sagot niya.
“Pumunta ka sa clinic o laboratory at magtawag ng lalaki na puwedeng mag-assist sa akin,” utos nito sa kanya.
Tumango siya kahit hindi siya sigurado kung nakikita nito ang mukha niya. Sobrang dilim kasi. Nang bitawan siya nito ay naglakad siya. Nakarating na siya sa dulo kung saan may kaunting liwanag. Nilingon niya ang lalaki. Nang mahagip ito ng kaunting liwanag na nagmumula sa patay-sinding ilaw ay saka lamang niya natiyak na si Alessandro ito.
Dumating na pala siya, anang isip niya.