KINABUKASAN na nalaman ni Narian kung ano ba talaga ang nangyayari sa pasyente’ng si Diana. Normal naman daw lahat ng organs nito at walang na-detect na virus sa katawan nito. Kahit si Alessandro ay hindi nakita kung ano ang dumapong sakit kay Diana. Noong isang araw lang nakita ni Narian si Diana, noong kararating nito sa academy. Nurse rin si Diana at sana’y makakasama niya sa trabaho. Pero hindi naging maganda ang unang tagpo nila dahil lahat ng ginagawa niya ay sinisita nito. Dahil lang naman iyon sa pag-preserve ng mga specimen.
Nayayabangan siya rito kaya tinarayan niya. Naiinis siya rito dahil feeling entitled. Ramdam din niya na mainit ang dugo sa kanya ng babae. Hindi naman niya ito pinansin. Halos kinalimutan kaagad niya ito, ni hindi niya natanong ang pangalan at nalaman lang niya kay Charie. Pero ngayon ay naaawa siya sa babae. Naisip niya, baka dati nang may ganoong sakit si Diana. Naguguluhan siya sa detalyeng sinabi ni Charie tungkol kay Diana. Ang sabi, normal lang ang katawan ni Diana at walang komplikasyon. Pero imposibleng normal, samantalang nagsuka ng dugo ang babae.
Tahimik sa laboratory pagpasok ni Narian. Nadatnan niya roon si Alessandro na nakaupo sa harap ng touch screen nitong monitor na maraming nakakonekta na mga maliliit na wire. Hindi naging malinaw sa kanya ang resulta ng test kay Diana. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa dalaga.
“Excuse me, Doc,” tawag niya sa atensiyon ni Alessandro. Sinipat lang siya nito. Nakatayo siya sa gawing kaliwa nito. “Gusto ko lang po sanang malaman kung napano si Diana. Magaling na po ba siya?”
“She’s dead,” diretsong sagot nito.
Nawindang siya at dagling kinilabutan. Paulit-ulit siyang napalunok.
“B-bakit? Ano ba talaga ang sakit niya?” balisang usisa niya.
“I think a paranormal expert can answer your question,” sagot lang nito.
“Ano? Paranormal? Ibig sabihin walang kinalaman ang medical condition niya?” aniya.
“She’s possessed of something undefined negative energy,” turan nito. Ano ba ang nakita mo sa kanya noong iwan mo siya?” anito.
“Kuwan, bigla niya akong kinanti. Pagkatapos ay nagsuka siya ng buo-buong dugo,” sagot niya.
“Nadatnan ko siyang naghihingalo sa kuwarto.”
Biglang nagsikip ang dibdib ni Narian. Natatakot siya sa nangyayari. May mga supernatural creatures pala sa lugar na iyon. Bigla siyang nanahimik sa isang tabi. Lumuklok siya sa stool chair ‘di kalayuan kay Alessandro. Pumihit siya paharap sa malaking salamin. Nakikita niya buhat doon ang binata. Maya-maya ay napansin niya ito’ng tumingin sa kanya. Hindi niya ito inalisan ng tingin sa pamamagitan ng salamin. Ang takot niya’y nahalinhan ng kakaibang emosyon. Isang uri ng emosyon na naghahalo ang excitement at pagkabalisa.
Hindi niya mabasa kung ano ang ibig-sabihin ng pagtingin sa kanya ni Alessandro na may katagalan. Natitigilan ito sa ginagawa. Napalunok siya saka tumikhim. Doon lang binawi ni Alessandro ang tingin nito. Busy na ito sa ginagawa.
Mamaya ay biglang tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa ng kanyang pants. Dagli niya itong dinukot at sinagot ang unregistered number na tumatawag. Roaming na naman.
“Hello?” sagot niya.
“Hi! How are you, sexy?” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
Pamilyar sa kanya ang boses nito. Ito ‘yong tumawag din sa kanya noon.
“You again? What do you want?” inis na sabi niya.
“I want my ring back. I knew you stole it,” akusa nito.
“What? Excuse me, stranger, I don’t know what are you talking about!” asik niya.
Tumawa ang lalaki. “Huh! Nakalimutan mo na nga ako! You b***h, magkikita rin tayo ulit! At kapag napatunayan ko na na sa ‘yo ang singsing ko, babayaran mo ‘yon!” galit nang sabi ng lalaki.
Inis na in-off niya ang kanyang cellphone.
Nang tingnan ulit niya si Alessandro buhat sa salamin ay napatda siya nang makitang nakatingin ito sa kanya. Hindi siya nakatiis, hinarap niya ito. Hindi man lang ito umiwas. Saka niya naalala ang lalaking nabiktima ng kalokohan niya. Nilamon siya ng konsensya. Kaya siya pinatulan noon ng lalaki ay dahil sa pag-akit niya rito.
Nakainom ng alak ang lalaki pero hindi sobrang lasing. Pinatulan lang niya ang udyok ng mga kaibigan niya, na kapag napapayag niya ang lalaki na maka-date siya ay mananalo siya ng twenty thousand pesos. Medyo gipit siya noon kaya siya pumatol.
Mapera ang isa sa kaibigan niyang si Chesca, kaya nitong bayaran ang utang niya sa banko. Ang kaso, nag-migrate na sa America si Chesca at wala na siyang balita rito. Kasabay sa paglaho nito ay naglaho na rin ang ibang kaibigan niya. Kaya nag-focus na lang siya sa trabaho.
“Naniniwala ka ba’ng b***h ako?” gagad niya sa tahimik na si Alessandro.
“It’s obvious,” sagot nito, sabay balik ng tingin sa monitor.
Tumayo siya. “Some people are good at judging,” sabi niya.
“You can’t blame them. Hindi ka mahuhusgahan kung maingat ka sa iyong sarili. At hindi lahat ng nanghuhusga ay sigurado sa ginagawa nila. They are expressing their first impression to someone they encountered at the first moment. You have two choices here. It’s either you will assume those judging or ignore it. Because you’re the one who knows who you are.”
“Thanks for that. Anyway, I’m just curious about your job. I know scientists don’t believe in supernaturals or paranormal related issue. How did you say that Diana was possessed? You mean she possessed with spirit?” aniya. Tiningnan lang siya ni Alessandro. “Naku, hindi kaya nakulam lang siya? Excuse me, ah. Alam mo ba ang ibig kong sabihin?” Pumalatak na siya.
“Yeah, you’re right. I don’t believe in the paranormal. But I came from a family of a paranormal experts. Ang ninuno ko ay mga uri ng bampira na sumusugpo sa mga diablo. They also use dark magic to fight their enemies. Pero hindi na ako interesado sa mga bagay na ‘yon. Sa henerasyon natin ngayon, mas mabisa na ang teknolohiya.”
Kumibit-balikat siya. Binuhat niya ang stool chair saka inilapait kay Alessandro. Pumuwesto siya sa gawing kaliwa nito.
“Puwede ko bang panoorin ang ginagawa mo?” pagkuwa’y tanong niya rito.
“Yes, but please behave. Don’t ask me anything,” sabi nito. Expressionless ang mukha nito.
“Okay.”
Tumahimik na siya pero hindi sa monitor nakatingin, kundi sa abalang guwapong doktor. Bigla siyang na-excite dahil sa pambihirang pagkausap nito sa kanya.
Nang tingnan niya ang ginagawa nito sa monitor ay sumakit ang ulo niya. Hindi niya ito maintindihan. Parang nagsu-solve ito ng math na may mahabang formula pero hindi numbers ang nakalagay kundi mga litra.
Seryoso na siya sa pinapanood nang biglang tumunog na naman ang kanyang cellphone. Iniisip niya baka iyon ding nambubuwisit sa kanya ang tumatawag. Kinuha niya ang kanyang cellphone at in-cancel ang tawag.
“Kainis! Sino ba kasi itong hinayupak na ito? Ang kulit!” inis na kausap niya sa cellphone.
Biglang tumayo si Alessandro. Hinabol niya ito ng tingin. Patungo ito sa estante ng mga kimikal.
“Puwede mo ba akong ikuha ng 10cc syringe sa clinic? Maliliit ang narito,” mamaya ay utos sa kanya ni Alessandro.
“Yes, Doc.!” Tumalima naman siya.
Lumabas kaagad siya at nagtungo sa clinic. Nadatnan niya roon si Charie at nag-aayos ng mga gamot. Saka niya naalala na walang sinabi si Alessandro kung ilang syringe ang kailangan nito.
“Uh… nagre-request si Dr. Clynes ng 10cc syringe,” sabi niya kay Charie.
“Ilan ba?” anito.
Napakamot siya ng ulo. Masyado siyang excited. “Uhm, isang kahon na siguro para hindi na ako pabalik-balik,” aniya.
Binigyan naman siya ni Charie ng isang kahong 10cc syringe na isang dosena ang laman. Pagkuwan ay bumalik siya sa laboratory. Dahan-dahan siyang naglakad patungo kay Alessandro nang marinig na may kausap ito sa cellphone. Nakaluklok ito sa swivel chair.
“Yes, sorry. I love you too,” sabi nito sa kausap bago tuluyang naputol ang linya.
Biglang nanlumo si Narian. Girlfriend ba ni Alessandro ang kinausap nito? Bakit may pa-I love you too pa? Inilapag niya sa lamesang katapat nito ang kahon ng syringe saka lumisan. Palapit na siya sa pinto nang…
“Narian?” tawag sa kanya ni Alessandro.
Napalingon siya rito. “Hm?”
“Can you please assist me first? Wear your protective gear,” sabi nito.
Bumalik naman siya. Bumalik din ang sigla ng kanyang puso. Pareho silang may suot na protective gear at pumasok sa extension ng laboratory kung saan may lalaking infected ng virus na nakahimlay sa loob ng malaking ataul na yari sa makapal na salamin. Naka-kadena ang katawan nito. Bigla siyang kinilabutan.
Hindi sila nag-uusap, senyas lang. Pinahawak sa kanya ni Sandro ang dalawang test tube na may takip. Pagkuwan ay binuksan nito ang salaming takip ng ataul. Sumilip siya ngunit pumiksi siya nang biglang nagmulat ng mata ang lalaki. At sa kanyang pag-atras ay naapakan niya ang isang paa ni Alessandro. Nawalan siya ng balanse pero maagap ang kamay nito sa paghagip sa balikat niya. Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. Sumenyas ito na lumayo siya sa ataul.
Nagpupumiglas ang lalaking infected ng virus. Hindi naman ito makaalis. Binuksan ni Sandro ang syringe saka itinurok sa braso ng lalaki. Kumuha ito ng dugo saka isinalin sa isang test tube na hawak niya. Dalawang test tube ang nilagyan nito ng dugo.
Nauna na siyang lumabas dahil may ginagawa pa si Sandro sa halimaw. Hindi na kasi niya kayang panoorin ang lalaking halimaw na halos maagnas na ang balat. Diring-diri siya sa hitsura nito. Inilapag niya sa case nito ang test tubes. Nakalabas na rin si Sandro at nagtanggal ng gear. Ganon din siya.
“You may leave me now,” pagkuwan ay utos nito sa kanya.
Walang imik na lumabas naman siya. Nakahinga rin siya nang maluwag. Kung hindi lang talaga dahil kay Alessandro ay hindi siya mapa-assign sa laboratory. Tumambay na lamang siya sa clinic.
Late nang naisip ni Narian na mag-lunch. Naaliw kasi siya sa kuwentuhan nila ni Charie sa clinic. Ganoon lang naman kagaan ang trabaho nila. Mas mahaba pa ang kuwentuhan kaysa busy time.
Pagpasok niya sa food center ay wala na halos bakanteng lamesa. Maraming estudyante na tumatambay roon. Ang iba ay kumakain. Ang iba naman ay nagkukuwentuhan lang naman. Busy si Rebecca kaya hindi niya ito inabala. Kumuha lang siya ng pagkain.
May pang-dalawahang lamesa pa siyang nakita malapit sa pinto. Ang ingay ng mga estudyante. Masarap ang ulam na nilaggang beef spareribs kaya nag-enjoy siya at walang pakialam sa paligid. Nalipasan na rin siya ng gutom.
Maya-maya ay may umupo sa katapat niyang silya. Hindi niya ito pinansin.
“Pa-share,” sabi ng baritonong boses ng lalaki.
Awtomatikong napatingin siya sa kaharap. Antimanong sumikdo ang puso niya nang malamang si Alessandro ito. She has to be thankful to the student for occupying the rest of the tables. So Alesandro hasn’t had a choice but to share a table with her.
“Uhm, sure,” sagot niya. Akala talaga niya nagbabaon ito kaya bihira lumalabas ng laboratory. “Akala ko hindi ka kumakain dito sa food center,” nakangiting sabi niya.
He just shrugged. “I was busy these few days so I don’t have time to go home.”
“You mean sa bahay ka ninyo kumakain?” usisa niya.
“Not always. Hindi naman ako madalas kumakain. Blood juice is okay for me.”
Napalunok siya. Bampira nga pala ito. Marami pa sana siyang itatanong dito ngunit biglang dumating si Devey at inabala si Alesandro.
“Nandito ka lang pala. Hinanap kita sa laboratory one,” ani ni Devey.
“Sorry, I need to eat first,” turan naman ni Alessandro.
“Hm, mukhang magandang impluwensya sa ‘yo si Narian.”
Namilog ang mga mata ni Narian nang tinangalain niya si Devey. Nakatayo lang ito sa gawing kaliwa ni Alessandro.
“I’m just hungry and there’s no available dining table here,” rason naman ni Alessandro.
Tiningnan ni Devey ang mga estudyante. “Ginawang tambayan dito ng mga estudyante,” komento nito saka ibinalik ang tingin sa dalaga. “Well, I feel a good chemistry between you and Narian. Hindi ka na maiinip sa laboratory,” tudyo pa nito.
Nag-init ang mukha ni Narian. Si Alessandro naman ay seryosong kumakain.
“I never felt boredom inside the laboratory, Devey. I prefer to work alone,” depensa naman ni Alessandro.
Napawi ang excitement ni Narian lalo nang maisip ang kausap ni Sandro sa phone na sinabihan nito ng ‘I love you. Kaya ba ayaw nitong mag-entertain ng ibang babae ay dahil may mahal na ito?
“Kung sa bagay, laking laboratory ka nga pala,” ani ni Devey. “Anyway, sinabi ng dad mo na kailangan mo ng assistant sa pagsisimulang gumawa ng vaccine.”
“Yes, I will start the process this week after some examination about the virus,” si Alessandro.
“I’m in. Also, we need an assistant with the equipment.”
“Narian is enough,” matatag na sbai ni Alessandro.
Nagulat si Narian nang bigla siyang kinindatan ni Devey. May kutob talaga siya na ipinagkakanulo nito si Alessandro sa kanya. Well, pabor naman iyon sa kanya.
Nang matapos na siyang kumain ay iniwan na niya ang dalawa. Si Devey ang pumalit sa silya niya. Pumasok naman siya sa counter dala ang ginamit niyang kobyertos. Napansin niya na seryoso si Rebecca sa pagsusulat sa logbook. Nakaupo ito sa stool chair.
“Busy?” pukaw niya rito.
“Hay! Ang tagal naman kasing maayos ang system dito sa counter. Ang hirap ng mano-manong pag-log ng daily food distribution. Ang dami nang kumakain dito,” reklamo nito.
“Kailangan ba talagang naka-record ang bawat pagkaing kinukonsumo?” usisa niya.
“Oo, kasi kasama siya sa expenses. Hindi puwedeng may masayang.”
“Hm, grabe naman ang higpit.”
“Si Sir Serron kasi, talagang organize ang management sa pagkain.”
Naawa siya kay Rebecca. Bukod sa stressful nitong trabaho sa food center, nag-aaral pa ito. Nang may lumapit na estudyante upang kumuha ng pagkain ay siya na ang nag-serve. Hindi na siya umalis doon.
Maya-maya ay kumabog ang dibdib niya nang mamataan si Alesandro na palapit sa counter dala ang pinagkainan nito. Grabe na ata ang pagkahibang niya sa binata. Sa tuwing nakikita niya ito ay para siyang mapaihi sa excitement.
“Can I get one bottled water?” tanong nito pagkalapag ng plato sa counter.
“Yes, Doc.!” Tumalima siya. “Cold water po ba?” tanong niya nang mabuksan na niya ang chiller.
“Yes please,” tugon nito.
Pag-abot niya rito ng bottled water ay natigilan siya nang mahawakan nito ang kamay niya na may hawak sa bote ng tubig. Tila nagulat din ito dahil natitigilang nakatitig sa kanya. They just stare each others’ eyes for a second before she released the bottle. She can’t help but feel her heart pounding so hard. Maliban sa mabilis na t***k ng puso, nakaramdam din siya ng pag-init ng kanyang dibdib habang nakipagtitigan sa mga mata nito.
“Balik ka sa laboratory later around 2 pm,” sabi nito pagkuwan.
“Okay, Doc.” Malapad siyang ngumiti.
“And thank you for this,” he said before leaving.
Kumislot si Narian nang may matigas na bagay na sumundot sa tagiliran niya. Marahas siyang lumingon kay Rebecca.
“Hoy! Limitatahn mo ang pakipagtitigan kay Dr. Clynes!” sita nito.
“Bakit ba? Ang sarap kaya niyang titigan. Can’t you see? He’s gazed at my eyes intently. I felt his interest in me,” confident niyang sabi.
“Gaga! Huwag kang ambisyosa!”
“Hey! Walang masama sa pag-a-ambisyon.” Kinuha niya ang plato ni Alessandro at hinawakan ang kutsarang ginamit nito. HInalik-halikan niya ito.
Humagalpak nang tawa si Rebecca. “Buang ka talaga!” sabi nito.
Tumawa lang din siya. Feel na feel niya na nahalikan kunwari ang bibig ni Alessandro.