UMINIT ang mukha ni Narian. Parang kakainin siya ng buo ng mommy ni Alessandro kung makatingin. “Kuwan, si Sandro naman po ang may gusto,” aniya. “May gusto na ano?” Usig nito. Pumalatak na. “Aba! Hindi manyakis ang anak ko! Baka inakit mo lang siya! Hindi ganito ang pangarap kong love story para kay Sandro. At lalong hindi basta natutukso ang anak ko! Magkaibigan pa lang naman kayo sabi niya. Ikaw ata itong assuming na may relasyon na kayo!” Hindi na maituloy ni Narian ang paghihiwa sa gulay. Inalipin na siya ng takot. Naninikip ang dibdib niya at nasasaktan sa sinabi ng ginang. “Ang mabuti pa, maligo ka na nang makaalis na kayo!” pagtataboy sa kanya ng ginang. Natulala si Narian. “Mom! What do you think are you doing?” boses ni Alessandro na bigla na lang sumulpot sa pintuan. Puting