NAGISING si Narian dahil sa masamang panaginip niya. Merong lalaking gusto siyang patayin. Mabuti nagising siya kung hindi ay nahagip na siya ng patalim. Hindi lang iyon ang unang beses na nanaginip siya ng masama. Paglinga niya sa kaliwa niya’y namataan niya si Alessandro na nakahiga patagilid at nakaharap sa kanya. Natutulog ito. Napansin niya na naroon na siya sa kuwarto nila ni Farah. Suot na niya ang kanyang pantulog na kulay puti. Si Alessandro ay nakatulog na may suot na sapatos. Puting T-shirt lang ang suot nito at itim na pantalon. Tumagilid siya at humarap dito. Hinaplos niya ang makinis nitong pisngi. Wala na siyang maalala matapos siyang sumpungin ng sakit sa banyo ng kuwarto nito. Ginawaran niya ng mapusok na halik ang mga bibig nito. Biglang nagising ang binata at akmang ta