NAWINDANG si Alessandro nang marinig niya na tinawag ni Hero si Narian sa buo nitong pagalan. Ano ang ibig nitong sabihin? Bakit kilala nito si Narian? At ang reaksiyon ni Narian, halatang nasopresa ito nang makita si Hero. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi rin niya alam kung ano ang kanyang iisipin. “Wait, kilala mo si Narian, Hero?” nagtatakang tanong ni Zack sa kaibigan. Ngumisi pa si Hero. “Sorry, nakalimutan kong sabihin kay Sandro na ang babaeng iyan ay ang babaeng kauna-unahang nanloko sa akin at nanakit sa puso ko’ng nagsisimula pa lang umibig,” bunyag ni Hero. Binato ni Sandro ng nang-uusig na tingin si Narian. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. He can’t help but feel a sudden pain in his heart. There’s a bit of surprise but he is