Chapter 21

2520 Words

KUMISLOT si Alessandro nang makarinig siya ng ingay mula sa malayo. Nakaidlip siya habang nakaupo sa harap ng computer. Tumayo siya. Mainit ang pakiramdam niya. Hinubad niya ang suot niyang laboratory gown saka lumabas. Madilim sa labas at napakatahimik. Naglakad siya patungo sa food center. Nang makarating siya sa naturang lugar ay nagtataka siya bakit walang ilaw. Ang alam niya hindi nagsasara ang food center. May naririnig siyang kaluskos mula sa counter. Dahan-dahan siyang lumapit sa counter. Pagsilip niya sa loob ay namataan niya si Narian na kinakain ang mga stock na pagkain sa refrigerator. Pero ang ikinagulat niya ay ang hitsura nito. Pulos itim ang mga mata nito at duguan ang bibig. “Narian!” tawag niya rito. Kumislot siya nang bigla itong lumipad sa kanya at kinalmot ang kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD