Reese Jayana “Tomboy” Abad Napatingin ako sa gawing bintana ng paaralan ng mapansin ang taong nakatayo sa di kalayuan. Nakasuot na utility uniform ng school. Dahil medyo malayo at naka sumbrero ay hindi ko gaano makilala ang mukha. Lumingon ako sa aking mga kaklase at bumalik ang tingin sa kinatatayuan ng lalaki. “Ako ba talaga ang tinitignan niya?” tanong ko sa aking isip. Napalingon lang ako ng tawagin ako ng professor namin at pinapasagutan ang question sa blackboard. Pagkatapos sumagot ay nagawi muli ang tingin ko sa bintana kung saan nakatayo ang lalaki pero wala na roon. Nakaramdam ako ng kaba at pagtataka pero pinilit kong huwag mag-isip ng hindi maganda. Nag focus ako sa lesson na tinuturo ng aking professor. Masaya kaming nag kwe-kwentuhan ng aking mga kaibigan sa open area m

