Kendric Aziel Suazer Sabay-sabay kaming kumilos. Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang role sa planong binuo namin. Imposible at hindi madali kung iisipin, pero kailangan maging posible. Magagawa namin lahat basta nagtutulong-tulungan kami. “Kael,” usal ko. Si Kael ang nag handle sa ospital at sa nanay nina Ram at Jayana. Tumugon siya, “Sa lahat ng pasyente maluwag sila, pwera kay Tita Martina. Isang tao lang ang naka-assign sa kanya na maaaring magbigay ng gamot at iba pa niyang pangangailangan. Nung unang mga araw ay nahirapan pa ako dahil masyado maingat ang doktor pero isang beses nalusutan ko siya. Ito ang video na nakuha ko nang minsan patago akong pumasok sa opisina niya.” Pinakita sa amin ni Kael ang video. “Madalas rin siyang kausap ang lolo ni Ram at tinatanong ang lagay ni

